|
Hindi Diyos ang gumawa ng mga tao, tao ang gumagawa ng mga Diyos.
“Totoo bang may Diyos? Kung meron nga, eh bakit hindi Nya binigyan ng tugon ang mga panalangin ko? Bakit wala Syang ginagawa para mapaganda ang buhay nating lahat? Sus. Walang Diyos! Hindi totoong Diyos ang gumawa sa tao, tao ang gumagawa ng Diyos nya.” May punto diba? Aaminin ko mababaw ang pananampalataya ko. Tinuturing ko ang sarili kong Kristyano at nakapagtanim na ko ng Kristo sa puso ko pero hindi pa ganoon kabunga. Oo naniniwala akong may Diyos, pero hindi ko makuhang paniwalaan ang mga kaya Nyang gawin. Oo sinasabi kong may Panginoon, sinasabi kong si Hesus ang isinugo ng Diyos Ama. Pero hindi pala sapat yung ganon. Hindi maituturing na pananampalataya ang simpleng paniniwala lang. Sinubukan kong kumbinsihin yung sarili ko para palalimin ang relasyon ko kay Hesus pero wala akong makitang dahilan, lalo kapag hindi nabibigyang kasagutan ang mga dasal ko. Talagang di maiwasang mawalan ng faith. Nitong mga nagdaang araw, lalo akong nakukumbinsi ng mundo na tuluyang talikuran ang paniniwala sa Panginoon. Ang dami kong nababasa at napapakinggan na patunay na hindi totoong meron tayong Diyos. Iniisip ko na nga ang buhay ko kung sakaling aktibista ko. Di naman siguro ganon kasama maging atheist. Hindi man sila sumasamba sa Diyos, hindi din naman kay Satanas. Habang dumadami ang nalalaman ko sa kamunduhan, lalo akong nawawalan ng faith. Nagaattend ako ng BS dito, pero walang epekto. Umaattend din ako ng fellowship, pero parang hindi ko naman maisapuso. Nagbabasa ako ng Bible pero wala akong maintindihan kahit isang passage. Kung meron man, hindi ko maisabuhay at parang wala namang nagiging pagbabago sa pananaw ko. Dun ko napagtanto na ako, ako lang ng ako, ako lang ang may-ari ng buhay ko, na ako lang ang masusunod saken, na walang Diyos, HANGGA’T hindi ako nakukumbinsi ng Diyos nyo na maniwala sa Kanya. Kahit san ako tumingin naghahanap ako ng milagro, naghahanap ako ng sinasapian, naghahanap ako ng kasamaan na pangingibabawan ng kabutihan. Pero higit pa don ang pinakita sakin ng Panginoon kanina. Ramdam na ramdam ko yung kilabot at init sa buo kong pangangatawan. Hindi lang sya nagparamdam, kinausap nya pa ko, kame. Pinakita nya sakin kung paano sya kumilos. Sa pamamagitan ng isang kapatid na talaga namang kinatakutan ko, isang labinlimang taong gulang na bata ang nagpakilala at kumumbinsi sa akin tungkol kay Hesus. He spoke in tongues! Oo in tongues! Dati nababasa ko lang sya sa net, pero kanina sa harapan ko naganap, LIVE! Sobrang kong napahanga at natuwa. Akala ko kay Pastor ko makikita yung ganoon o di kaya ay sa mga elders ng church pero hindi, iba talaga kumilos ang Panginoon. Kaya sobra akong nahihiya ako sa Kanya. Sya na pinagdudahan ko, Sya na pinagisipan ko ng masama, Sya na binalewala ko. Hindi ko inaasahang sa ganoong paraan mabibigyan ng sagot ang mga katanungan ko. Na unang-una, totoong may Diyos. Pangalawa, lahat ng panalangin natin ay dinidinig Nya, ayaw lang siguro natin tanggapin yung tugon Nya at ipinipilit pa din natin yung mga gusto nating isagot Nya sa atin kaya akala natin di Nya tayo pinapansin. At pangatlo, kumikilos ang Diyos. Bawat paggising mo lang ay isa nang milagrong maituturing, unappreciative lang tayo. Sabi nga sa Bible, “hindi lahat ng nakatingin ay nakakakita”.
|
home ask me archive themes |